Rex: Nabasa mo na ba yung Harry Potter? Alam mo na yung ending?
Denise: Wala ng kwenta yan alam ko na.
Rex: Si Harry namatay kinain nung phoenix.
Denise: Ha? Diba kinain siya ng owl?
Sabaw. Anyway, after what seemed like forever, nakabili na ako ng Deathly Hallows. From 34.99 dollars ay sinale siya for one week dito sa store malapit sa amin na pinagtrabahuhan ko. 17 dollars lang!!!! Oh man syempre bumili ako yehey. Kahit na free lang sa library humiram (they have 50 copies of deathly hallows) eh syempre iba parin yung meron ka
O diba out of boredom sinuot ko muna to. Kunyari grey's anatomy. Omg sana pasukan na, pero hindi rin nageenjoy pa akong matulog e. Actually andami kong dapat gawin pero i chose to do this hahahaha. Kakatapos ko lang linisin yung walk in closet. Grabe andaming kung ano ano ng kapatid ko. Mga bata talaga. haha Super gulo ng kwarto nun, eto yung malapit na ako matapos maglinis. Medyo marami na ang nacocollect ko na idodonate na damit. Yahoo.
Kanina pala nagpapark kami ng kotse tapos dun sa parking lot may isang grupo ng tao na nakatingin sa kotse namin, tapos sabi ko ano ba yan bat naman nakatitig. Ibang lahi sila. (tagalugin ko na lahat ng salita pakiramdam ko kasi may babasa neto na hindi pinoy) Tapos sabi ba naman ng tatay ko. Mga _______ yan, mga mukang tanga e. Tapos nagulat ako, ano ito daddy. hahaha. Sabi ko, Bakit naman tanga?? Tapos sabi niya yung mga mukha nila built that way daw. Sabi ko ano ka ba naman ______ lang tanga na. Medyo natawa ako na nainis kasi marami akong kaibigan na ganun ang lahi. O diba clue na yan kung anong lahi yun. hahahaha oh well. Sabi ko sa kanya, ok lang yan daddy iniisip din ng mga yan tayo rin mukhang mga tanga. hahahaha
No comments:
Post a Comment