Kukai tagged me. ;p
The Rules:
1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
3. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
***
i tag gabo halili, eden tan, ming javier, mong rodriguez, anton mercado, jp dela cruz, jose tong, iris (na wala naman time sumagot), cheska alvarez, luanne tapnio and anna mella dahil hindi naman sasagot si iris.
1. I'm a germophobe. I hate touching things like money, escalator handrails, etc. I constantly feel like disinfecting my keyboard, mouse, cellphone basta kung ano ano. Lagi akong merong wipes sa bag. Sounds crazy pero at least germs lang. May napanood ako sa Maury yung babae takot sa cottonballs tapos nagwala siya nung naglabas sila ng cotton ball man. hahahahahahahahahaha
2. Just this year nafeel ko na i have so many oppurtunities para maging successful(thank you to God and my parents). Sobrang daming blessings and dahil dun I try to make the most out of everything. Dati hindi ko kasi nakikita yun. I love you parentals!
3. Gusto ko magpunta sa China kasi gusto ko makita si Hankyung. haha babaw. Sobrang galing mo sumayaw! Katawan. hahaha Napili pa siya na torch bearer, makikita niyo nalang ako sa tv tumatakbo sa tabi niya. hiyeesss. Gusto ko rin makita si Ryeowookie at si Heechul.
4. Medyo nakakintindi na ako ng korean and nakakabasa, andami kasing koreano dito. Annyeonghaseyo! Chonin Denise imnida, manaso panggapsumnida.
5. Expert na ako sa packing at sa pagttravel. Sa two years na nandito ako sa U.S., 23 times na akong sumakay sa eroplano at pabalik balik sa NY at CA. Parang hati sa apat yung buhay ko, may mga gamit pa kasi ako sa Pilipinas, mga gamit ko sa dorm nasa New Jersey tapos 9 months sa isang taon nasa NY ako yung natira nasa California naman. Lagi na nga lang nasa maleta mga damit ko e.
6. I like being alone when I'm working. Hindi ako makaconcentrate pag may ibang gumagalaw naiirita ako.
7. After living in NY for two years, narealize ko na ayokong magstay ng matagal dun. Maraming maganda and di maganda sa NY na malalaman mo lang once na tumira ka talaga dun. Literal na super fast paced dun. Sa ibang states, pwede kang tumingin tingin sa paligid mo habang naglalakad, sa NY hindi parang fast forward talaga. Although baka magtrabaho ako dun, ayoko magkapamilya dun.
8. Tatlo yung legal name ko dito sa U.S. I hate it! Lagi akong nagkakaproblema sa mga forms. Yung Pinaka legal is MA R CADIZ. Dito sa u.s. hindi nila alam na ang abbreviation ng ma. ay maria. So first name ko ay MA as in nanay or yung tunog ng kambing. Yung isa pa ay MA DENISE at yung katawatawang MAD Cadiz sa aking greencard. O diba ako si MAD at yung kapatid ko si MAB kasi Maria Beatriz yun e.haha
9. People in Pratt call me Da Knees. May incident na pinagmulan pero natatamad na akong ikwento. Ewan ko pero people in UST lang ata ang hindi pa tumawag sakin nyan. Ano kayang meron sa Danis na wala sa Denise.
10. Isa sa mga pinaka nakakahiyang nangyari sakin yung maipit sa subway doors. Naka heels kasi ako nun tapos tamang tama pagpasok ko nasarhan ako ng pinto as in legs and kamay nasa labas tapos ulo nasa loob. Nastuck pa yung pinto tapos andaming tao! Sabi nung isang mama, "Oh my God. Ughhh ughhh i...cant...open...eeett." Sobrang hiyang hiya ako nakabow nalang ako na nakatakip yung buhok sa harap ng mukha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment