Monday, July 30, 2007

Things to do

WAAHH cramming, specialty ko ata yan. I work best under pressure. One of my lame excuses. Anyway, 22 days to go before i go back to New York. Dame ko pa gagawin. Ayoko pa! hahaha

1. Get that driver's license. Super long over due. When i get that license, maybe i can get that car? hahaha. Ang galing nga e once a month ka lang mag tatank pag hybrid.

2. Portfolio

3. Register pratt stuff

4. Gawin in advance lahat ng weekly history paper for this upcoming hoa class.

5. Study for that statics exam.

6. Fix storage

Sa ngayon tinatamad pa talaga akong gawin. Talk about archi syndrome. Ang pagpuyat sa sarili sa last few days.

Thursday, July 26, 2007

Salamat Rex sa spoiler. Haha no spoilers here just boredom.




Tinanong ako ni Rex kagabi kung nabasa ko na daw ba yung Deathly Hallows. Here's how the conversation went (something like this):

Rex: Nabasa mo na ba yung Harry Potter? Alam mo na yung ending?

Denise: Wala ng kwenta yan alam ko na.

Rex: Si Harry namatay kinain nung phoenix.

Denise: Ha? Diba kinain siya ng owl?

Sabaw. Anyway, after what seemed like forever, nakabili na ako ng Deathly Hallows. From 34.99 dollars ay sinale siya for one week dito sa store malapit sa amin na pinagtrabahuhan ko. 17 dollars lang!!!! Oh man syempre bumili ako yehey. Kahit na free lang sa library humiram (they have 50 copies of deathly hallows) eh syempre iba parin yung meron ka

O diba out of boredom sinuot ko muna to. Kunyari grey's anatomy. Omg sana pasukan na, pero hindi rin nageenjoy pa akong matulog e. Actually andami kong dapat gawin pero i chose to do this hahahaha. Kakatapos ko lang linisin yung walk in closet. Grabe andaming kung ano ano ng kapatid ko. Mga bata talaga. haha Super gulo ng kwarto nun, eto yung malapit na ako matapos maglinis. Medyo marami na ang nacocollect ko na idodonate na damit. Yahoo.

Kanina pala nagpapark kami ng kotse tapos dun sa parking lot may isang grupo ng tao na nakatingin sa kotse namin, tapos sabi ko ano ba yan bat naman nakatitig. Ibang lahi sila. (tagalugin ko na lahat ng salita pakiramdam ko kasi may babasa neto na hindi pinoy) Tapos sabi ba naman ng tatay ko. Mga _______ yan, mga mukang tanga e. Tapos nagulat ako, ano ito daddy. hahaha. Sabi ko, Bakit naman tanga?? Tapos sabi niya yung mga mukha nila built that way daw. Sabi ko ano ka ba naman ______ lang tanga na. Medyo natawa ako na nainis kasi marami akong kaibigan na ganun ang lahi. O diba clue na yan kung anong lahi yun. hahahaha oh well. Sabi ko sa kanya, ok lang yan daddy iniisip din ng mga yan tayo rin mukhang mga tanga. hahahaha

Tuesday, July 24, 2007

Biglaang pag ka miss

Nabasa ko yung mga old messages ng mga tao sa akin sa friendster. Wala lang namiss ko sila bigla. Namiss ko si,

Toy (dame mo messages sakin pare)

Grace

Monic

Eden (meron pa ngang message sa akin si sammyboy your lover boy)

Tayet

Merms ( haha adventures of merms,maid,and suso. kumusta naman ako si suso.bait niyo.)

Maid (oo ikaw to iris.)

Cheska

Ghelly

Vina

R.A.

Weng

yung mga iba nga antagal na hindi ko nakakausap, since highschool grad pa, kumusta naman unang panahon pa yun. wala lang namiss ko rin kayo.

yay!!!

They tallied all my transfer credits and credits this year. Junior na daw ako, although i still have to stay for 5 years dahil 2 design classes per year. Pero ok na rin that means less work load. whoopsiedoo!!

Monday, July 23, 2007

Archi work during the summer?!??

I got the usual letter from Pratt this afternoon. Nung first year ako nakatanggap na din ako nito kaya lang ngayon, we can chose our design professor na. I really hope i get Jeremy Carvahlo. He was the one who reviewed my portfolio last year at siya rin ang dahilan kung bakit ako nasa school na to ngayon. I think he's really cool. He gives you tons of work pero by the end naman you have some crazy shit. Worth it.

Anyway, I didnt know that the second year portfolio reviews were scheduled for Sept. 13. Dammit! That means less time to make a portfolio again. I really enjoyed making the media portfolio 3 months ago. Saya ko nung pinoint out nila yung akin as the fortune 500 portfolio. As in that made my day. Tapos we werent allowed to put names sa portfolio. Yahoo excited na ako. I have to get a new concept. Pero merong problema. May naerase ako by accident and hindi na nagwowork ang illustrator, photoshop and acad ko. DARN.

well, ok lang everything always works out in the end.

Wednesday, July 18, 2007

ARGHH!!!!

Tinatanggap ko yung mga binibigay mo dahil binibigay mo yun. Hindi ko naman hinihingi yung mga yun e. Kahit nga madalas yun yung rason kung bakit ako galit. Kasi sinusumbat mo sa akin ang hindi ko naman ginusto. Badtrip. Hindi naman ako tanga para hindi pahalagahan lahat ng mga bagay na sinasakripisyo mo sa akin. Pero sana wag mo naman pamukhain na kawawa ka, kasi hindi ka naman kinakawawa. Ginagawa mo naman yun dahil gusto mo e. Hindi ko naman sinabing gawin mo yun. Chaka parang lagi nalang kitang inaagrabyado. I feel bad enough dahil alam ko kung ano ang mali sa akin pero give me a break naman. Tao lang naman ako minsan nagkakaproblema rin. Lay off. Masama ang loob ko kasi hanggang ngayon...hindi mo parin ako kilala. Ang saya saya ko na nga e tapos ganito pa. Kainis.

Wednesday, July 11, 2007

Astig talaga sa pame

Okay so i was watching something sa abs cbn. I admit, jologs ako hahaha, hiram na mukha by heart evangelista. So, i was watching right...the story starts na si Heart ang pangit niya tapos napunta siya sa carnival because of this evil guy. And i was like, what the hell why does this man's moves look so familiar to me. Grabe, tiningnan kong ,mabuti...and narealize ko...si MASTER! He was our kung fu instructor during high school. Tae kakaiba talaga mga tao sa school na yun. hahahahahahaha and one of his lines there pa was...

"Walang hiya ka!!! Nakatakas ang mga unggoy!"

O diba elegante.

Thursday, July 5, 2007

Kadaballs nabuhay si Coach


Coaaaaaaacccch!!! Best setter?? Naks naman, teka teka, bakit kay may sing sing sing dun sa isang picture mo? Kanino galing yun? Nakikinita ko na ang isang malaking letrang A. Hahahahaha hanggang ngayon mamang mama ka pa din, gwapo pa rin kaya lang medyo nakikita na ang kaseksihan mo sa suot mong shorts! hahahahahahahaa, ilabyou, wish ko lang makita mo e noh.



Kita pwet, hahahaha ang seksi mo coach!


uyyyy ayun yung sing sing kanino galing?